top of page
Search

"More than what you were." Edward C. Jimenez, PhD, Department of Education

"You are More than what you were" said, Edward C. Jimenez, PhD, CESO IV Director II





I Bureau of Learning Resources Department of Education Inspires Grads of PDL. in this graduation address: Good morning to everyone. To the organizations behind who established the College Education Behind Bars, Dr. Aland David Mizell, President o f Social Entrepreneurship, Technology, and Business Institute, Inc., and Atty. Susan Cariaga, to the esteemed officials  the Bureau of Corrections (BuCOR), Davao del Norte State College (DSNC), and to our very own Department of Education, Schools Division of Davao Del Norte headed by SDS, and the entire DepEd family, dedicated educators, our partners in rehabilitation, family members and friends, and most especially, to our graduates. It is my great honor to stand before you today on this truly inspiring occasion — the the commencement exercises of our learners who, despite the walls that confine them, have broken through barriers of doubt, fear, and circumstance.Ang araw na ito ay hindi lamang pagtatapos ng pag-aaral. Ito ay patunay na ang edukasyon ay posible kahit saan — kahit sa loob ng gusaling ito. Kayo ay ehemplo na ang pag-asa, pagbabago, at pangarap ay hindi natatapos sa pagkakamali. This day is also a day thanksgiving to those who helped you hurdled this incredible journey. To all our school administrators who served as pillars of this incredible institution, who continuously create and implement policies safeguarding the welfare and wellness of our learners, a big around of applause please. Thank you very much.

Alam naming hindi madali ang daan. Iba ang hamon kapag limitado ang galaw, kapag ang paligid ay bilang na bilang, at ang katahimikan ay may kasamang tanong ng “hanggang kailan?” Ngunit sa kabila ng lahat, pinili ninyong maging matapang upang patuloy na magsikap, matuto, at mangarap. At ngayon, narito kayo—katindig at nakatayo, taas-noo, may diploma sa mga kamay, at may bagong tangang tangang pag-asa sa puso para sa sarili, at higit sa lahat para inyong mga mahal sa buhay. Hindi kayo nabigo. Sa halip, kayo ang naging halimbawa na hindi kailanman huli ang lahat para sa sinumang handang magsimula muli at magkaroon ng panibagong pangaral na tutuparin. Ang edukasyon ay hindi lamang para sa mga nasa labas ng gusaling ito. Ito ay karapatan ng bawat Pilipino, nasaan man siya, sino man siya, at anuman ang kanyang pinanggalingan. Ang inyong pagtatapos ay hindi lamang personal na tagumpay. Ito rin ay tagumpay ng lipunang patuloy na naniniwala sa pagkakaroon ng ikalawang pagkakataon.Ang edukasyon ay kadalasang sinasabing susi sa mga bagong pintuan. Ngunit para sa inyo, ito ay higit pabinuksan nito ang inyong isipan, pinalawak ang inyong pang-unawa, at muling ginising ang inyong mga pangarap. Ipinakita ninyo na ang kaalaman ay walang pader, at ang diwang tao, kapag pinagyaman, ay kayang lampasan ang anumang pagsubok.

And this significant milestone would not become possible without the people who stood beside and behindyou in every step of your way. May we invite our faculty members to please stand, and let’s give them a big around of applause for nurturing and making this journey a memorable one for each graduate, maraming maraming salamat po.

At sa ating mga nagsipagtapos, pinili ninyong hindi mabilang sa pagkakamali ng nakaraan, kundi sa ginagawa ninyo ngayon upang bumuo ng mas mabuting kinabukasan. At ang pagpiling 'yan ay nangangailangan ng tapang, disiplina, at malinaw na pananaw sa buhay. Sa bawat araling natapos ninyo, sa bawat pagsusulit na inyong hinarap ninyo, at sa bawat proyektongipinasa ninyo, unti-unti ninyong binuo ang panibagong kinabukasang hindi nakatali sa nakaraan, kundi nakatuon sa pagbangon.Kayo ay hindi lang mga Persons Deprived of Liberty. Kayo ngayon ay mga Persons Full of Possibility. Ang rehas ay pisikal, ngunit ang isipan at puso ay malaya. At ngayon, pinatunayan ninyong kahit sa limitadong mundo, ang liwanag ng karunungan ay kayang pumasok, at ang pangarap ay kayang lumipad. Sa inyong pag-usad, dalhin ninyo ang mga aral na inyong natutunan—hindi lamang sa aklat, kundi sa buhay mismo. Dalhin ninyo ang tapang na umamin sa pagkakamali, ang lakas ng loob na bumangon, at ang karunungang maging mabuting tao—sa loob man or labas nito. Ang pagtatapos na ito ay paalala sa lahat: Na sa bawat tao, may pag-asa. Na sa bawat pagkakamali, may pagkakataong magbago. At sa bawat puso na handang magpakatino, may kinabukasan. Kaya’t mga ginigiliw naming nagsipagtapos, huwag kayong matakot sa panibagong bukas. Yakapin ninyo ito. Harapin ninyo ito. Buhayin ninyo ang inyong mga pangarap. Baguhin ninyo ang unang nakasulat sainyong pahina at gawin itong panibagong kwento na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng sinuman.Marahil hindi pa ngayon ang araw ng inyong kalayaan sa katawan,Ngunit ang araw ng inyong kalayaan ng kalooban at isipan ay narito na. Sa harap ng lahat, hayaan ninyong sabihin ko ito: Kayo ay mga bayani ng inyong sariling kwento. Para sa ating mga nagsipagtapos — isang taos-pusong pagbati at maligayang pagtatapos sa inyo.Ang diploma sa inyong kamay ay hindi lamang papel. Isa itong simbolo ng inyong disiplina, tiyaga, at pananampalataya sa sarili.Ngayong hawak na ninyo ang inyong diploma, kayo ay hindi lamang papunta sa isang destinasyon — bagkus sa panibagong yugto ng inyong buhay. Maaaring kayo ay nasa loob pa rin ng mga pader na ito, pero ang ginawa ninyo ay pagbasag sa mga hadlang. Ipinakita ninyong bawat tao — anuman ang nakaraan — ay may kakayahang matuto, umunlad, at mag-ambag sa lipunan.Hayaan ninyong sabihin ko ito nang malinaw: Hindi kayo hinuhusgahan sa inyong nakaraan, kundi sa ginagawa ninyo ngayon, at sa pipiliin ninyong maging bukas. And now, you are graduates. You are achievers. You are living proof that change is possible. You are not alone in this journey. Nariyan ang inyong mga guro at tagapayo na naniwala sa inyo, anginyong pamilya na nanalangin para sa inyo, at isang lipunan na — kahit may mga pagkukulang — ay nangangailangan ng karunungan mula sa mga taong natuto sa pinakamabibigat na aral hatid ng mga dagok at mabibigat na pagsubok sa buhay. Habang kayo’y sumusulong, alalahanin ninyo: Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang kawalan ng pader, kundi ang pagkakaroon ng layunin. Gamitin ninyo ang inyong boses, ang inyong kakayahan,at ang inyong kuwento upang magbigay-liwanag, magbigay-pag-asa, at magpakita na ang tunay na pagbabago ay totoo. You are proof that no life is beyond hope. That even in the darkest places, light can still find its way in — and shine out. Ang inyong kuwento ay hindi nagtatapos dito. Ito ay simula ng panibagong yugto. Maaaring may hamon pa rin sa labas, pero may mga bagong pagkakataon ding naghihintay. So once again, I salute you, graduates. Stand tall. Be proud. Your journey is far from over, but today, you take a powerful step forward. You have earned this moment. Wear your achievement with pride. Dalhin ninyo ang karangalan ng inyong tagumpay. Lumakad na may pag-asa. At tandaan: kailangan kayo ng lipunan — mga taong alam kung paano bumagsak, at higit sa lahat, kung paano muling bumangon.Muli, maraming salamat at mabuhay kayong lahat!

 
 
 

Bình luận


Gaining life by giving to others.

Contact Us

ADDRESS

Minority Care International

10705 Old Mill Road

Greenville, Texas USA 

EMAIL

© 2023 by Minority Care International. Powered and secured by Wix

Designed by Luvly Design Co.

bottom of page